Showing posts with label Lualhati Bautista. Show all posts
Showing posts with label Lualhati Bautista. Show all posts

Book Summary and Analysis (Buod): "Bulaklak sa City Jail" ni Lualhati Bautista

 Ang "Bulaklak sa City Jail" ni Lualhati Bautista ay isang nobelang nagsasalaysay ng kalagayan ng mga bilanggong babae sa kulungan ng lungsod. Sa paglipas ng kwento, ipinapakita nito ang paghihirap at kawalang-katarungan na nararanasan ng mga bilanggong babae.

Nagsisimula ang nobela sa kwento ni Angela, isang babaeng nabulag at napilitang pumasok sa bilangguan dahil sa kasong pang-aabuso. Sa loob ng kulungan, nakatagpo siya ng iba pang mga bilanggong babae tulad nina Elsa, Estrella, Chita, at iba pa. Sa kanilang pakikipagsapalaran sa bilangguan, nakatagpo sila ng mga kaibigan at kaaway. Nalaman din nila ang mga hindi makatarungang sistema sa bilangguan, kung saan may mga preso na ginagamit na parang alipin ng mga pulis.

Sa gitna ng kanilang paghihirap, nagsisimula silang mag-organisa at mag-aklas laban sa kawalang-katarungan. Sa pamamagitan ng kanilang mga salita at aksyon, nakapagbigay sila ng boses sa mga bilanggong babae at nakapagpakita ng pagkakaisa at pag-asa.

Ngunit, sa kabila ng kanilang mga pagsisikap, hindi rin sila nakaligtas sa mga panganib at kawalang-katarungan. Sa bandang huli, nagpasya si Angela na magpakamatay dahil sa sobrang hirap at kawalang-katarungan na nararanasan sa bilangguan. Sa kabila nito, hindi naglaho ang kanilang mga adhikain. Sa halip, itinuloy ng mga bilanggong babae ang kanilang pakikibaka at naging inspirasyon sa iba pang mga bilanggong babae upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at katarungan.

Sa kabuuan, ang "Bulaklak sa City Jail" ni Lualhati Bautista ay isang malungkot at nakakabagbag-damdaming kwento ng kalagayan ng mga bilanggong babae sa Pilipinas. Ipinapakita nito ang kanilang kahinaan, lakas, pag-asa, at pagsisikap na ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

 

Buod: Desaparesidos ni Lualhati Bautista

Ang librong Desaparesidos, ginawa ni Lualhati Torres Bautista, ay naglalaman ng hango-sa-tunay-na-pangyayaring mga kuwento ng pang-aapi, pang-aalipusta, pagtortyur, at pagpatay sa mga tinaguriang makakaliwa o tulisan noong rehimeng Marcos. Ito ay naglalayong magmulat sa mga itinagong kuwento ng karahasan bago makamit ang inaasam na paglaya at kuwento ng pagtangis ng mga inagawan ng karapatang magkaroon ng disenteng pamilya noong panahon ng diktakurya.

Pagsusuri: Desaparesidos ni Lualhati Bautista

Desaparesidos – ito ay mga salita na ang kahulugan ay “Disappeared People” sa lenggwaheng Ingles. Isang matinik na putahe ang isinulat ni Ginang Lualhati Bautista sa kanyang akda. Matinik sa ekspresyong nakasusugat ito sa parehong panig na kinasasangkutan ng kuwento; ang gobyerno na pilit ibinabaon sa limot ang nakaraang baho upang muling pagkatiwalaan ng sambayanan at ang mga makakaliwa, tulisan, NPA, aktibista o anomang katawagan sa mga taong tinortyur, pinahirapan, pinagsamantalahan, ginahasa, at nilapastangan ng rehimeng Marcos at ng kanyang diktaturya.

Buod: Diwalwal (Bundok ng Ginto) ni Edgardo M. Reyes

Ang librong Diwalwal (Bundok ng Ginto), isang nobelang isinatitik ni Edgardo M. Reyes, ay isang akdang bumabagtas sa tunay na anyo at maging sa mga tahimik o napilitang tumahimik na kuwento ng mga tao na nakipagsapalaran sa kilalang bundok ng ginto sa Davao del Norte. Noong kasibulan pa lamang ng pagkakatuklas (1983-1986), tinatayang 80,000 hanggang 100,000 katao na ang naninirahan dito upang maghanap ng trabaho, makapagtago sa batas, o makapaghakot ng limpak-limpak na ginto sa naturang bundok. Sa ngayon, ito ay ipinasara na ng gobyerno dahil sa malawakang pinsala na naidulot ng tao sa lugar na ito.

Pagsusuri: Diwalwal (Bundok ng Ginto) ni Edgardo M. Reyes

Isang kamangha-manghang obra ang isinulat ni Edgardo Reyes sa librong ito dahil gumamit siya ng adbentura upang mahikayat ang mga mambabasa na basahin ang isang kuwentong hindi kailanman gustong salaysayin ng mga manunulat na takot sa maaari nilang kahinatnan sa gagawin nila. Ito’y isang eksklusibong kuwento na naghahamon ng rebolusyon sa mga natutulog at nahilik na sangay ng gobyerno na pakialamanan ang mga gawain ng mga libong taong gumahasa at lumapastangan hindi lamang sa birheng kagubatan kundi maging sa dignidad at pagkatao ng maraming nilalang. Marami siyang ikinuwento base sa aktwal na nakita niya sa lugar na iyon.

Buod: ‘Gapo ni Lualhati Bautista

Ang aklat na ‘Gapố ay isang nobelang isinulat ni Lualhati Bautista na tumatalakay sa problemang nababalot sa mga base militar ng mga Amerikano dito sa Pilipinas. Ilan sa mga kasama rito ang diskriminasyon ng mga Amerikano sa Pilipino, pag-aalipusta sa mga Pilipina ng mga puti, at maging ang kawalang-bahala ng mga Pinoy o mas tamang sabihin na gobyernong Pilipino sa mga nangyayari sa lugar ng mga base militar.