Showing posts with label Desaparesidos. Show all posts
Showing posts with label Desaparesidos. Show all posts

Buod: Desaparesidos ni Lualhati Bautista

Ang librong Desaparesidos, ginawa ni Lualhati Torres Bautista, ay naglalaman ng hango-sa-tunay-na-pangyayaring mga kuwento ng pang-aapi, pang-aalipusta, pagtortyur, at pagpatay sa mga tinaguriang makakaliwa o tulisan noong rehimeng Marcos. Ito ay naglalayong magmulat sa mga itinagong kuwento ng karahasan bago makamit ang inaasam na paglaya at kuwento ng pagtangis ng mga inagawan ng karapatang magkaroon ng disenteng pamilya noong panahon ng diktakurya.

Pagsusuri: Desaparesidos ni Lualhati Bautista

Desaparesidos – ito ay mga salita na ang kahulugan ay “Disappeared People” sa lenggwaheng Ingles. Isang matinik na putahe ang isinulat ni Ginang Lualhati Bautista sa kanyang akda. Matinik sa ekspresyong nakasusugat ito sa parehong panig na kinasasangkutan ng kuwento; ang gobyerno na pilit ibinabaon sa limot ang nakaraang baho upang muling pagkatiwalaan ng sambayanan at ang mga makakaliwa, tulisan, NPA, aktibista o anomang katawagan sa mga taong tinortyur, pinahirapan, pinagsamantalahan, ginahasa, at nilapastangan ng rehimeng Marcos at ng kanyang diktaturya.