Nagsimula ang kabanata sa
pagbabalita ng dyaryo tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra, ngunit
hindi binasa ito ni Maria Clara. Nagpakita ng pagkabahala si Maria Clara sa
nangyari kay Ibarra at hiniling kay Padre Damaso na sirain ang kasunduan ng
kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng kanyang ama.
Sinabi ni Maria Clara na wala na
siyang ibang pakakasalan dahil sa kanyang paniniwala na ang dalawang bagay na
mahalaga na lang sa kanya ay ang kamatayan o ang kumbento. Naawa ang pari sa
kalagayan ni Maria Clara at humingi ng tawad sa kanya. Nangako si Padre Damaso
na pahintulutan ang dalaga na pumasok sa kumbento kaysa piliin ang kamatayan.
Nalungkot si Padre Damaso sa
nangyari at nagdasal sa Diyos, na siya na lang ang parusahan kaysa sa kanyang
anak na si Maria Clara na walang malay at nangangailangan ng kanyang kalinga.
Ramdam niya ang malalim na kalungkutan ng kanyang anak na si Maria Clara.