Sa kabanatang ito ng Noli Me
Tangere, ipinakita ang mga pangyayari sa loob ng tribunal kung saan dinala ang
mga bihag na sina Ibarra at Don Filipo, kasama ang isang batang umiiyak na may
dugo sa salawal na si Tarsilo Alasigan. Sinubukan ng mga otoridad na mapilitang
magsalita si Tarsilo kung may kinalaman si Ibarra sa paglusob ng mga sibil sa
kanilang lugar, ngunit ito ay tumanggi at iginiit na wala siyang alam sa mga
pangyayari. Napag-alaman na ang mga bihag ay mga kamag-anak ng mga namatay na
sina Bruno, Pedro, at Lucas na nabanggit sa nakaraang mga kabanata.
Dahil hindi nila makuha ang kahit
anong impormasyon mula kay Tarsilo, ipinagpapalo siya ng mga pulis hanggang sa
magdugo ang kanyang katawan. Hindi na kinaya ng kura ang mga nakita at lumabas
na lamang ito ng bulwagan na namumutla. Sa labas, nakita ng kura ang isang
dalaga na tila nagbibilang ng mga naririnig sa loob ng tribunal at umiiyak ng
malakas. Siya ay kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo.
Nagalit ang Alperes na binulungan ng
kanyang asawa na dagdagan ang paghihirap kay Tarsilo, ngunit humiling na lamang
ang binata na madaliin ang kanyang kamatayan. Sa wakas, hindi na nakakuha ng
impormasyon ang mga otoridad mula kay Tarsilo kaya siya ay ipinatumba sa isang
balong may madilim na tubig at masangsang na amoy. Sa kanyang pagkamatay,
binalingan na lang ng mga otoridad ang isa pang bilanggo na si Andong
Luko-luko. Ipinakita rin na si Andong Luko-luko ay pinapakain ng bulok na
pagkain ng kanyang biyenan upang magdulot ng kanyang kalbaryo. Dahil antok na
antok ang Alperes, ipinag-utos na lang niyang ipasok ulit si Andong Luko-luko
sa karsel.