Ang buong bayan ng San Diego ay
nagdurusa pa rin sa takot. Walang taong naglalakad sa mga daan at tahimik ang
paligid. Isang bata ang nagbukas ng bintana, at sa kanyang lakas ng loob,
sinundan ng iba pang kapitbahay. Nagkabalitaan sila na kahabag-habag ang
nangyari noong nakaraang gabi tulad ng pag-atake ni Balat. Sa kanilang usapan,
lumitaw na si Kapitan Pablo ang salarin. Ayon sa iba, ang mga kuwadrilyero ang
gumawa ng gulo, kaya naman dinakip si Ibarra.
Nagpunta ang mga lalaki sa kuwartel
at sa tribunal. Nabanggit din na sinubukan diumano ni Ibarra na i-tanan si
Maria Clara upang hindi matuloy ang kasal nito kay Linares, ngunit sinansala
ito ni Kapitan Tiyago sa tulong ng mga sibil.
Samantala, nakausap ni Hermana Pute
ang isang lalaki na kagagaling lamang sa tribunal. Ipinahayag nito ang
katotohanan na si Bruno ang nagtapat na siya ang nagsabi ng balita tungkol sa
pagmamahalan nina Ibarra at Maria.
Nabalitaan din na balak ni Ibarra
ang gumanti sa simbahan. Ngunit suwerte na lamang daw na naroon si Padre Salvi
sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ayon pa sa mga sibil, sila rin ang sumunog sa bahay
ng binata.
Mayroon ding babae na nagsabing
nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.