Nagmamadaling pumunta ang kura sa
bahay ng Alperes upang magsumbong tungkol sa napipintong pag-aalsa na
nakatakdang mangyari sa gabing iyon. Agad siyang pumanhik sa bahay ng Alperes
at tinawag ito nang malakas. Lumabas sina Alperes at Donya Consolacion, at bago
pa man makapagsalita ang kura, inireklamo na agad ni Alperes ang mga kambing ng
kura na naninira sa kanyang bakod.
Ngunit agad na ibinunyag ng kura ang
kanyang pakay. Ipinahayag niya na mayroong napipintong pag-aalsa na may
layuning salakayin ang kuwartel at kumbento. Natuklasan ito ng kura sa
pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa kanya. Nagkasundo ang kura at
Alperes na paghandaan ang posibleng pagsalakay ng mga insurektos. Hiningi ng
kura ang apat na gwardya sibil na ilalagay sa kumbento bilang bahagi ng kanilang
paghahanda. Sa kabilang banda, palihim na nagkilos ang mga kawal sa kwartel
upang mahuli ang mga lulusob na mga rebelde nang buhay, upang mapakanta sila at
malaman ang kung sino ang nasa likod ng pag-aalsa.
Samantala, may isang lalaki na
nagmamadaling pumunta sa tirahan ni Ibarra. Mabilis itong umakyat sa bahay at
hinanap si Ibarra. Agad na ibinunyag ng lalaki na si Elias ang pangalan niya at
ibinahagi ang impormasyon tungkol sa nalalapit na paglusob na kanyang
natuklasan. Ayon kay Elias, si Ibarra diumano ang kapural at nagbayad sa mga
kalahok ng pag-aalsa. Dahil dito, nagpasya si Elias na ipasunog ang mga aklat
at kasulatan ni Ibarra upang hindi siya masangkot sa gulo.
Nang mabasa ni Elias sa isa sa mga
kasulatan ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at ang relasyon nito kay
Ibarra, naantig ang damdamin niya. Binunot niya ang kanyang balaraw na nais
niyang gamitin kay Ibarra. Ngunit matapos ng ilang sandali, nahimasmasan si
Elias at binitawan ang kanyang balaraw. Tumingin siya ng tuwid kay Ibarra at
agad na umalis ng bahay.
Samantala, ipinagpatuloy ni Ibarra
ang pagsunog ng mga mahahalagang papeles at dokumento, kasama na ang mga
kasulatan na ibinahagi ni Elias sa kanya.