Sa ilalim ng pinto ng libingan, tatlong anino ang nag-uusap nang maingay. Naitanong ng isang anino sa kanyang kausap kung nakaharap na ba nila si Elias. Ang sagot ng kausap ay hindi pa, ngunit hindi ito sigurado dahil isa raw sa mga naunang pagkakataon ay nailigtas na ni Ibarra ang buhay ni Elias.
Sumagot naman ang isa pang anino na
pumayag na sumama si Elias dahil ipapadala na ngayon ni Ibarra ang kanyang
asawa sa Maynila upang ipagamot. Si Elias rin ang magsasalakay sa kumbento
upang makaganti sa mga prayle.
Binigyang diin naman ng ikatlong
anino na kasama ng lima na lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga gwardya
sibil na ang kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Dagdag pa, sinabi ng alila
ni Ibarra na sila ay dalawampung katao. Nagtigil ang usapan ng tatlong anino
nang may dumating na isa pang anino na nagtatago sa bakod.
Pagdating ng pang-apat na anino, nagkakilala
silang lahat. Ipinaliwanag ng bagong dating na anino na sinusubaybayan siya
kaya naghiwa-hiwalay sila at sinabihan ang mga kasama na sa susunod na gabi ay
tatanggapin na nila ang mga sandata. Kasabay nito ang sigaw na "Mabuhay
Don Crisostomo!"
Nawala sa likod ng pader ang tatlong
anino, at ang bagong dating na anino ay naghintay sa isang sulok ng pintuan.
Maagang umuwi ang ikalawang anino at naghanap ng matatawagan ng pansin. Dahil
umuulan, pumasok siya sa pintuan at doon nagkita sila ng unang anino na
sumilong na rin.
Nagkasundo sila na magsugal, at ang
natalo ay mananatili sa loob ng libingan upang makipagsugal sa mga patay.
Pumasok sila sa loob at umupo nang magkaharap para magsugal. Ang isa sa kanila
na mas matangkad ay si Elias, samantalang ang may pilat sa mukha ay si Lucas.
Sa kanilang pagsusugal, natatalo si
Elias at agad siyang umalis nang hindi nagsasalita. Biglang napuno ng kadiliman
ang paligid at nawala si Elias.