Nakatanggap si Linares ng liham mula
kay Donya Victorina na nagpabalisa sa kanya. Alam ni Linares na hindi nagbibiro
si Donya Victorina at kailangan niyang hamunin si Alperes, ngunit wala siyang
mahanap na padrino. Siya ay nagsisisi dahil sa kanyang paghahambog at
pagsisinungaling na hangad lamang niyang makapagsamantala, na dulot ng
impluwensya ni Donya Victorina.
Sa bahay ni Kapitan Tiyago, dumating
si Padre Salvi at nagmano. Ipinagbalita niya ang sulat na padala ng arsobispo
na naglalaman ng pag-alis ng ekskomunyon kay Ibarra, at pinuri niya ang binata
pero may kasamang kapusukan. Sinabi rin ni Padre Salvi na si Padre Damaso na
lamang ang humahadlang sa pagpapatawad kay Ibarra, ngunit hindi ito
makakatanggi kung si Maria Clara ang kakausapin. Narinig ni Maria Clara ang
usapan na ito at pumunta siya sa silid kasama si Victoria.
Maya-maya pa ay dumating si Ibarra
kasama si Tiya Isabel habang nag-uusap sina Padre Salvi at Kapitan Tiyago.
Binati niya si Kapitan Tiyago at yumukod kay Linares. Masaya si Padre Salvi na
makausap si Ibarra at sinabing katatapos lamang niyang papurihan ito.
Nagpasalamat si Ibarra sa mga narinig.
Sa sandaling iyon, lumapit si Ibarra
kay Sinang upang itanong kung galit pa rin ba sa kanya si Maria Clara. Sinabi
ni Sinang na ipinasasabi raw ni Maria Clara na limutin na lamang siya, ngunit
nais ni Ibarra na makausap ng mag-isa ang kanyang kasintahan.
Hindi nagtagal, umalis na rin si
Ibarra mula sa bahay ni Kapitan Tiyago.