Sa isang yungib sa kagubatan, natagpuan
ni Elias si Kapitan Pablo matapos ang anim na buwang hindi sila nagkita. May
dalawang linggo na rin ang nakalipas mula nang malaman ni Elias ang naging
kapalaran ng Kapitan. Kilala ni Elias si Kapitan Pablo bilang isang ama, at
pareho silang nag-iisa sa buhay. Sinubukan ni Elias na kumbinsihin ang Kapitan
na isama siya sa mga lupain ng katutubo upang mabuhay nang mapayapa ang matanda
at makalimot sa trahedyang naranasan ng kanyang pamilya.
Ngunit tinanggihan ni Kapitan Pablo
ang alok ni Elias dahil naninindigan siya na dapat ipaghiganti ang masakit na
nangyari sa kanyang mga anak na pinatay ng mga dayuhan. Ayon sa Kapitan, hindi
siya matatahimik hangga't hindi nasisiguro na magkakaroon ng katarungan ang
trahedyang iyon na sinapit ng kanyang pamilya.
Ipinakwento ni Elias kay Kapitan
Pablo ang naging pagkikita at pagkakaibigan niya kay Ibarra. Pinuri niya si
Ibarra at ibinahagi ang mga pang-aapi na naranasan ng pamilya nito sa kamay ng
mga pari. Nagtangkang mag-usap si Elias kay Ibarra upang iparating ang mga
hinaing ng bayan sa Heneral.
Sumang-ayon si Kapitan Pablo na
hintayin ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra, na nakatakdang
mangyari pagkatapos ng apat na araw. Kung pumayag si Ibarra na tulungan sila,
magkakaroon ng katarungan ang kanilang mga hinaing. Ngunit kung hindi, nangako
si Elias na sasama sa layunin ng Kapitan na maghiganti.