Nagsimula si Padre Damaso ng kanyang
sermon sa wikang Tagalog at Kastila gamit ang sipi sa Bibliya. Binanggit niya
ang pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang pagtulad kay Haring David,
ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya.
Ngunit kasama rin sa kanyang sermon ang panlilibak sa mga Pilipino na binigkas
niya sa wikang Kastila, na walang naintindihan ang karamihan dahil sa wika na
ginamit niya. Nagtangkang ipahiya ni Padre Damaso ang mga taong hindi niya
gusto sa harap ng maraming tao.
Hindi nakapigil ang mga naroon na
antukin at maghikab, kabilang na si Kapitan Tiyago. Maria at Ibarra naman ay
palihim na nag-uusap sa pamamagitan ng mga tinginan. Sa wakas, nag-umpisa na
rin si Padre Damaso na magsalita sa wikang Tagalog. Tinira niya ngunit nang
hindi pangalanin si Ibarra, subalit halatang si Ibarra ang kanyang tinutukoy.
Nagalit si Padre Salvi sa mga
nangyayari kaya nagpakahiwahiwalay na ito, isang palatandaan na tapusin na sana
ng pari ang kanyang walang kabuluhang sermon na tumagal pa ng kalahating oras.
Samantala, sa loob ng simbahan,
nakalapit si Elias kay Ibarra nang palihim at binalaan siya na mag-ingat sa bato
na ibabaon sa hukay dahil maaaring ikamatay nito. Walang napansin ang iba sa
pagdating at pag-alis ni Elias.