Nagkaroon ng demonstrasyon ang mga taong dilaw kay Nol Juan tungkol sa paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa bahay-paaralan. Ang istruktura ng bahay-paaralan ay may walong metro na taas at apat na haligi na nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang mga haliging ito ay nasasabitan ng malalaking lubid na tila napakatibay ng pagkakayari.
Ipinaalam ng taong dilaw na ito ay
natutuhan pa niya sa ninuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Inimungkahi niya
kung paano itaas at ibaba ang malaking bato na ilalagay sa gitna ng apat na
haligi sa pamamagitan ng mga lubid. Pinuri ng mga tao sa paligid ang kanyang
kakayahan, at pati si Nol Juan ay hinangaan siya.
Dumating ang araw ng pagpapasinaya
sa bahay-paaralan. Naghanda ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa
mga panauhin, at may banda din ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang
seremonya ng basbasan sa bahay-paaralan.
Inilulan ang mga mahahalagang
kasulatan at relikya sa isang kahang bakal na ipinasok sa bumbong na yari sa
tingga. Ang taong dilaw ang may hawak ng lubid na kontrolado ang pagbaba ng
bato na ilalagay sa gitna ng apat na haligi.
Nagsimula nang bumaba si Ibarra
upang makiisa sa seremonya, ngunit biglang humulagpos ang lubid mula sa kalo
kasabay ng pagkagiba ng balangkas. Sa loob ng ilang saglit, nakita ng lahat na
si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato, at ang
taong dilaw ay namatay.
Gusto sana hulihin ng alkalde si Nol
Juan, ngunit pinigilan ito ni Ibarra at sinabing siya na ang bahala sa lahat.