Ang simbahan ay puno ng tao na
nagkukumahog na pumasok sa kabila ng init at iyakan ng mga bata. May bayad ang
misa para sa kabanalan ng lahat, at ito ay nagkakahalaga ng dalawang daan at
limampung piso. Sa panahong iyon, pinaniniwalaan na mas mahalaga ang magbayad
ng malaki para sa misa kaysa sa komedya dahil ang misa ay makapagdadala ng
kaluluwa sa langit, samantalang ang komedya ay magdudulot ng impyerno.
Hindi sinimulan ang misa hanggang sa
dumating ang alkalde mayor na sinadya pa ngang magpahuli upang mas lalo siyang
mapansin ng mga tao. Nakasuot siya ng limang medalya na sagisag ng kanyang
kapangyarihan.
Nang dumating ang alkalde mayor,
agad na nagsimula ang pagmimisa na pinangunahan ni Padre Damaso. Ginamit ng
mapangahas na pari ang pagkakataon upang insultuhin si Padre Manuel Martin na
siyang nagmisa kahapon. Sinabi ni Padre Damaso na siya ay mas mahusay magmisa
kaysa kay Padre Manuel Martin. Hindi pa natatapos ang kanyang pagyayabang nang
hindi siya nagsermon.