Noli Me Tangere - Buod ng Kabanata 29: "Ang Kapistahan"

 Naghanda na ang mga banda ng musiko ng maaga upang ipagdiwang ang kapistahan. Kasabay nito ang tunog ng kampana at mga paputok na nagpapakita ng kasiyahan sa bayan. Ang mga tao sa bayan ay nagising na at nagbihis ng kanilang pinakamainam na kasuotan at mga alahas para sa pagdiriwang. Nagtulungan sila sa paghahanda ng masasarap na pagkain na handa na para sa lahat.

Ngunit hindi sang-ayon dito si Pilosopo Tasyo. Sinabi niya na ang pagdiriwang ay isa lamang paglustay ng salapi at pagpapakitang-tao. Mayroon daw mas mahahalagang bagay na dapat gastusan, tulad ng mga pangangailangan ng bayan na hindi natutugunan. Sumang-ayon si Don Filipo sa pananaw ni Pilosopo Tasyo, ngunit hindi niya kayang salungatin ang mga pari dahil sa kawalan ng lakas ng loob.

Naghintay na ang mga tao sa simbahan kasama na ang mga kilalang personalidad ng San Diego. Ngunit, sinadya ni Padre Damaso na magkasakit upang higit na mapansin at mapagtuunan ng pansin ng lahat. Ang tagapangasiwa ng simbahan ang nag-aalaga sa kanya habang siya ay may sakit.

Nagsimula ang mahabang prusisyon ng mga santo bandang alas-otso ng umaga. Sa prusisyon, makikita ang pagkakaiba ng antas o diskriminasyon sa lipunan, kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginagong tao. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago, kung saan nag-aabang sina Maria Clara at Ibarra pati na rin ang ibang mga Kastila na nagdiriwang ng kapistahan.