Sa kabanatang ito ng Noli Me
Tangere, naiulat sa isang pahayagan sa Maynila ang mga naganap sa kapistahan ng
San Diego. Isinama sa balita ang mga detalye ng marangyang kapistahan ng bayan,
kasama ang mga kilalang tao sa San Diego at ang iba't ibang palatuntunan at
musikahan na naganap.
Nabalita rin ang mga pari na dumalo
sa kapistahan, pati na ang isang komedya na isinagawa sa bayan, kung saan
kasama ang mga mahuhusay na artista nito. Ngunit dahil sa wikang Kastila ito
idinaos, ang mga Kastila lamang ang nakasali sa komedya, samantalang ang mga
Pilipino ay natuwa sa komedyang isinagawa sa wikang Tagalog. Si Ibarra naman ay
hindi nagtangkang dumalo sa mga palabas na ito.
Kinabukasan, nagkaroon ng prusisyon
para sa mga santo at santa, na pinangunahan ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon
din ng sayawan kung saan nagsama-sama ang mag-ama na sina Kapitan Tiyago at
Maria, ngunit ito ay ikinayamot ni Maria Clara.
Nagpadala si Maria Clara ng sulat
kay Ibarra dahil sa ilang araw na hindi nila nagkitaan. Hiniling niya sa sulat
na bisitahin siya ni Ibarra at imbitahan siya sa pagpapasinaya ng bahay-paaralan
na ipinatayo niya.