Sa kabanatang ito ng Noli Me
Tangere, ang mga kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan ay sina Crispin at
Basilio, ang magkapatid na sakristan na mga anak ni Sisa. Ngunit may hinaharap
silang malaking suliranin. Si Crispin ay pinagbintangan ng pari na nagnakaw ng
dalawang onsa, halagang tatlumpu't dalawang piso. Dahil sa maliit lamang na
sahod nila bilang sakristan, hindi niya kayang bayaran ang nawawalang pera at
ang mga multang ipinataw sa kanya.
Humingi si Crispin ng tulong kay Basilio
na tulungan siyang magbayad sa pari. Ngunit tumanggi si Basilio dahil kailangan
din niyang ibigay ang kanyang kita sa kanilang ina upang may makain sila.
Nawalan na ng pag-asa si Crispin dahil sa mga problemang kinahaharap nila, at
nangungulila na siya sa kanyang ina. Naisip niyang kung kapiling lang nila ang
kanilang ina, tiyak na ipagtatanggol sila nito sa kalupitan ng mga pari.
Nag-isip si Crispin na sana'y
ninakaw na lang niya ang pera upang may maibabalik pa siya at kung mamatay man
siya dahil sa palo ng pari, may maiiwan naman siyang pera para sa kanyang ina
at kapatid. Sa kabila ng takot ni Basilio sa galit ng kanilang ina kapag
nalaman na napagbintangan ang kapatid na magnanakaw, hindi niya maaring
tulungan si Crispin dahil sa mga banta ng sakristan mayor.
Sa patuloy na pag-uusap ng
magkapatid, hindi nila namalayan na naririnig pala sila ng sakristan mayor na
puno ng galit. Pinagmulta niya si Basilio dahil sa maling pagtugtog ng kampana,
at sinabihan si Crispin na hindi siya pwedeng umuwi hanggang hindi niya
ibinabalik ang ninakaw na pera. Dahil sa takot at awa sa kapatid, hindi na
nakapagsalita si Basilio at pinanood na lang ang pagdurusa ni Crispin na
sinasaktan ng sakristan mayor.
Nang matapos ang ulan, nagdesisyon
si Basilio na patihulugin ang sarili mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang
lubid ng kampana. Matinding kalungkutan ang kanyang nararamdaman dahil sa
kawalan ng pag-asa na maibago ang kalagayan ng kanyang kapatid.