Ang bayan ng San Diego ay pinamumunuan ng ilang mga makapangyarihan o casique, na maituturing na katulad ng Rome at Italya sa labanan para sa kapangyarihan sa pamumuno ng bayan. Ngunit hindi kasama sa mga ito si Don Rafael, Kapitan Tiyago, at ilang iba pang namumuno sa pamahalaan.
Kahit na si Don Rafael ay
pinakamayaman at iginagalang ng marami, hindi pa rin siya ang may hawak ng
kapangyarihan sa bayang iyon. Gayundin, wala namang opisyal na posisyon sa
lipunan si Kapitan Tiyago, bagaman mayaman siya at kilalang tao, na laging
sinusundo ng banda ng musiko at pinagsisilbihan ng mga masasarap na pagkain.
Ang tunay na may kapangyarihan sa
bayan ng San Diego ay ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na pinuno ng
mga gwardya sibil. Si Padre Bernardo Salvi ang kasalukuyang kura paroko na
pumalit kay Padre Damaso, at mas kabaitan ito kumpara sa nakaraang paring
Kastila.
Sa kabilang dako, si Alperes ay
kilalang mapang-abuso sa kanyang asawa at tauhan, at laging lango sa alak. Siya
ay may asawang Pilipina na nagngangalang Donya Consolacion na palaging
naglalagay ng kulay sa kanyang mukha.
Ngunit bagaman may hidwaan sa
pagitan ng dalawang Kastila sa agawan ng kapangyarihan, ipinapakita naman nila
sa publiko na sila ay magkakasundo. Gayunpaman, sa likod ng kanilang mga
palihim na kasunduan, patuloy ang labanan para sa kapangyarihan sa bayan ng San
Diego.