Noli Me Tangere - Buod ng Kabanata 10: "Ang San Diego"

 Ang kabanatang ito ay naglalarawan sa bayan ng San Diego na matatagpuan sa baybayin ng lawa at napapalibutan ng malalawak na kabukiran. Ang bayang ito ay maalamat at kilala sa Pilipinas.

Sa San Diego, ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao ay ang pagsasaka. Ngunit ang mga taga-San Diego ay kulang sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo, kaya napaglalamangan sila ng mga dayuhang Tsino.

Ang simbahan ang namumuno sa bayan na ito, at ang pamahalaan ay sunud-sunuran lamang sa mga ito. Bago ang pangyayaring naganap sa Don Rafael Ibarra, si Padre Damaso ang kura paroko ng bayan na ito.

May isa umanong matandang Kastila na dumating sa San Diego na kilala sa bayan dahil sa kanyang kahusayan sa pagtagalog at malalalim na mga mata. Ipinambili raw niya ng gubat ang isang pook sa kabukiran gamit ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas, at salapi.

Ngunit hindi nagtagal, natagpuan ang matandang Kastila na nakabitin sa puno ng isang balete. Dahil sa pangyayaring ito, natakot ang mga tao sa bayan at sinunog ang mga damit ng matanda, habang itinapon naman ang mga alahas nito sa ilog.

Dumating naman ang anak ng matandang Kastila na si Saturnino, na nagsikap na kunin ang naiwang ari-arian ng kanyang ama. Si Saturnino ay nakapag-asawa ng isang taga-Maynila at nanirahan sila sa San Diego. Sila ay nagkaroon ng isang anak na si Don Rafael, na naging ama ni Ibarra.

Dahil sa pamumuno ni Don Rafael, kinagiliwan siya ng mga magsasaka sa San Diego at naging bayan mula sa pagiging isang nayon ang kanilang lugar. Ngunit ang pamumunong ito ni Don Rafael ang naging dahilan ng inggit at galit ng ilan niyang mga dating kaibigan.