Matapos ang mga kaganapang
kinasasangkutan ni Padre Damaso, nanirahan na ito sa Maynila matapos siyang
lumabas sa kumbento dahil sa nangyaring pagkamatay ni Maria Clara. Ngunit sa
kalaunan, inilipat din siya ng Padre Provincial sa isang malayong probinsya.
Sa kabilang dako, si Padre Salvi
naman ang pansamantalang nanunungkulan sa kumbento ng Sta. Clara na pinasukan
ni Maria Clara. Siya rin ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa
Maynila.
Napagdaanan ni Kapitan Tiyago ang
iba't ibang paghihirap ng damdamin matapos ang kanyang pagbisita sa kumbento.
Siya ay naging payat at mapag-isip, nawalan ng tiwala sa kahit sino. Pagkatapos
niyang bumalik sa kanyang bahay, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na sa
Malabon o San Diego dahil gusto na niyang mabuhay ng mag-isa. Nawala na sa isip
niya ang kanyang dating paggalang sa mga santo at santa at puro laro na lang ng
liyempo, sabong, at paninigarilyo ng marijuana ang kanyang inatupag. Dahil sa
kanyang kalagayang ito, nalimutan na rin siya ng mga tao na dati ay tanyag at
iginagalang.
Sa kabilang banda, si Donya
Victorina naman ay nagdagdag pa ng mga kulot sa ulo upang lalo pang mapagbuti
ang kanyang pagpapanggap na siya ay isang taga-Andalucia. Ngayon ay
nangungutsero na siya at hindi na pinapansin ang kanyang asawang si Don
Tiburcio. Nagbago na rin ang kalagayan ni Don Tiburcio na wala nang ngipin at
hindi na tinatawag na "doktor" dahil hindi na rin siya nagtatrabaho
bilang manggagamot.