Noli Me Tangere - Buod ng Kabanata 60: "Ikakasal na si Maria Clara"

 

Nagpamisa si Kapitan Tiyago sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario, at sa Birhen del Carmen dahil sa kaligayahan na hindi siya hinuli o natanong ng pamahalaan dahil sa kanyang pagkakasangkot sa mga pangyayari. Samantalang si Kapitan Tinong, na inimbitahan ng pamahalaan, ay nagkasakit at naging malubha ang kalagayan. Hindi na siya nakalabas ng bahay dahil sa takot na mabati ng mga pilibustero.

Sa bahay ni Kapitan Tiyago, dumating sina Linares at ang mag-asawang de EspadaƱa, na itinuturing na mga makapamahalaan. Nag-usap ang mga ito tungkol sa kasal nina Maria at Linares, at napagkasunduan na magpapapista si Kapitan Tiyago.

Ngunit sa kabila ng kaligayahan ng mga panauhin, si Maria Clara ay malungkot dahil sa kasal na ipinaplano para sa kanya kay Linares. Tinuring siya ng iba na tanga dahil sa kayamanan lang daw ang habol ni Linares. May nagsabi rin na marunong si Maria sa buhay dahil sa kasunduang ipapapatay si Ibarra na naging unang katipan niya. Ngunit nagpaalam na si Tinyente Guevarra na hindi bibitayin si Ibarra, kundi ipapatapon lamang.

Nakita ni Maria Clara ang bangkang dumaong sa may sadsaran ng kanilang bahay, at doon niya natagpuan sina Elias at Ibarra. Itinakas pala ni Elias si Ibarra upang ipahayag ang kanyang damdamin kay Maria at bigyan ng laya ang kasintahan sa kanilang kasunduan. Ipinaalam ni Maria kay Ibarra na napilitan lamang siyang talikuran ang kanilang pag-iibigan dahil sa mga taong nasa paligid niya, ngunit si Ibarra lamang ang totoong mahal niya.

Naghayag ng mga damdamin ang dalawa sa isa't isa, at nagyakapan at naghalikan sila. Pagkatapos nito, si Elias ay yumukod sa harap ni Maria Clara, at sumakay sila sa bangka upang umalis.