Sa kabanata 43 ng Noli Me Tangere, ipinapakita ang pag-aalala ni Padre Damaso kay Maria Clara habang nasa silid ng dalaga. Halata sa kanyang mukha ang pagkabahala para sa kanyang anak. Nagtaka ang iba sa ipinakita ng pari dahil hindi nila inaasahan na marunong pala itong umiyak at may malambot na kalooban, sa kabila ng magaspang nitong pag-uugali. Nag-isip ang ilan na malaki ang pagmamahal ni Padre Damaso kay Maria Clara.
Matapos ang ilang sandali, tumayo na
si Padre Damaso at pumunta sa silong ng balag upang doon managhoy. Ginamit ni
Donya Victorina ang pagkakataon na ito para ipakilala si Linares kay Padre
Damaso bilang inaanak ni Carlicos, ang bayaw ng pari. Ipinakilala rin ni
Linares ang sarili sa pari at ibinigay ang isang sulat na naglalaman ng kanyang
hangarin na humanap ng mapapangasawa at trabaho.
Ayon kay Padre Damaso, madali lamang
matatanggap si Linares dahil isa itong dating abogado ng Universidad Central.
Nagmungkahi rin ang pari na kausapin si Kapitan Tiyago tungkol sa posibilidad
na maging mapapangasawa ni Linares ang kanyang anak na si Maria Clara.
Nalungkot ito ng slight si Padre Salvi, na isa ring pari, sa naging desisyon ni
Padre Damaso.
Samantala, si Lucas ay nagpunta kay
Padre Salvi upang humingi ng katarungan para sa kanyang kapatid. Ginamit ni
Lucas ang pag-arte at pananalita upang kahabagan siya ng pari. Sinabi pa niya
na binayaran lang daw siya ng limang-daang piso ni Ibarra kapalit ng buhay ng
kanyang kapatid na namatay.
Ngunit hindi natuwa si Padre Salvi
sa mga ginawa at sinabi ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito. Walang nagawa si
Lucas kundi umalis nang bigo sa kanyang naging plano, na umaasang makuha ang
simpatya at tulong ng pari.