Sa Kabanata 41 ng "Noli Me Tangere," hindi mapalagpas ni Ibarra ang mga pangyayari sa gabi na iyon. Balisa siya sa kaguluhan na naganap at hindi siya nabigyan ng antok. Sa halip na magpahinga, nagpasiya si Ibarra na maglibang sa paggawa sa kanyang laboratoryo.
Bigla namang dumating si Elias upang
ipaalam kay Ibarra na si Maria, ang kasintahan ni Ibarra, ay may sakit.
Inisa-isa ni Elias ang mga kaganapan noong gabing iyon at kung paano niya
napigilan ang pagkakagulo. Sinabi rin niya kay Ibarra na kilala niya ang magkapatid
na gwardia sibil, na nagdulot ng utang na loob sa kanila kaya hindi
naipagpatuloy ang kaguluhan. Matapos ang maikling pakikipag-usap kay Elias,
nagmamadali si Ibarra papunta sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Sa daan, nakasalubong ni Ibarra si
Lucas, ang kapatid ng taong dilaw na siya ring nambibiktima sa kanyang
panloloko. Kinulit siya ni Lucas tungkol sa pera na kanilang inaasahan mula sa
pagkamatay ng kapatid ni Ibarra. Ngunit sinagot ni Ibarra ng maayos si Lucas at
sinabing babalik na lamang siya sa isang araw dahil may pupuntahan siya na may
sakit.
Ngunit hindi tumigil si Lucas sa
pagsusumiksik sa kanya, na nagdulot ng inis kay Ibarra. Iniisip ni Lucas na
iisa ang dugo na nagtatakbo sa mga ugat nina Ibarra at ng kanyang lolo na
siyang nagparusa sa kanilang ama. Para kay Lucas, maaari lamang silang maging
magkaibigan kung magkakasundo sila sa halagang ibabayad ni Ibarra.