Noli Me Tangere - Buod ng Kabanata 39: "Si Donya Consolacion"

 Ang asawa ni Alperes na si Donya Consolacion ay isang dating labandera na ngayon ay nagpipilit na maging katulad ng mga taga-Europa sa pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa kanyang mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas ang tingin niya sa kanyang sarili at naniniwala siya na higit ang kanyang kagandahan kaysa kay Maria Clara.

Isang araw, ipinag-utos ni Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila ng alam niyang dadanang prusisyon doon. Nagngitngit siya sa kanyang asawa, si Alperes, dahil hindi ito pumayag na sila ay magsimba. Nahihiya rin siya dahil sa pang-aalipusta at pagmumura ng asawa sa kanya.

Narinig ni Donya Consolacion ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan. Si Sisa ay nakakulong na ng dalawang araw. Inutusan niya si Sisa na umakyat, ngunit dahil hindi niya naintindihan ang Kastila, hindi niya ito sinunod. Nagalit si Donya Consolacion at sinaktan si Sisa. Nilatigo niya ito at pinag-utos na kumanta ang baliw na babae. Ngunit hindi pa rin sinunod ni Sisa ang utos ng Donya.

Galit na galit si Donya Consolacion kaya ipinag-utos niya sa gwardiya sibil na pakantahin si Sisa. Sumunod naman ang gwardiya sibil at kumanta ng Kundiman ng Gabi. Sa sobrang kaharutan ng Donya, hindi niya napansin na nagmumura siya sa Tagalog, na ikinagulat ng gwardiya sibil. Napansin agad ito ni Donya kaya pinatanggal niya ang gwardiya.

Muling hinarap ni Donya Consolacion si Sisa upang ipasayaw. Ngunit hindi pa rin ito sinunod ng babae kaya tinadyakan siya ng Donya at pinag-utos na kumanta ulit. Dahil dito, nabuwal si Sisa at nahubaran ng damit, na nagdulot ng sugat sa kanyang katawan. Nangyari ito sa harap ni Alperes na nagalit sa nangyari.

Upang magamot si Sisa, ipinag-utos ni Alperes sa isang kawal na bihisan, pakainin, at alagaan siya. Nakatakda rin na ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan, kaya inalagaan siya ng Alperes.