Noli Me Tangere - Buod ng Kabanata 38: "Ang Prusisyon"

 Sa Kabanata 38 ng Noli Me Tangere, nagsimula ang prusisyon na may sunod-sunod na pagtunog ng kampana at paputok. Lahat ng mga nakiisa ay may dalang kandila at parol. Ang mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala, at Mahal na Birhen ang kasama sa prusisyon. Hinihila ng anim na Hermano Tercero ang karo ni San Diego.

Kasama rin sa prusisyon ang Kapitan Heneral, mga Kagawad, Kapitan Tiyago, Alkalde, Alperes, at si Ibarra na napilitan lamang sumama dahil sa imbitasyon ng Heneral. Ang prusisyon ay huminto sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago kung saan may isang kubol para sa pagbibigkas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan.

Ang pila ng prusisyon ay pinangungunahan ng tatlong sakristan na sinundan ng guro, mga mag-aaral, at mga batang may dalang parol na papel. Isang batang lalaki na may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda, at may bigkis ang lumabas upang magsimula ng pagpupuri sa wikang Latin, Kastila, at Tagalog.

Kasunod nito, si Maria Clara ang nag-awit ng Ave Maria at ang lahat ay naantig sa ganda ng kanyang tinig. Naramdaman ni Ibarra ang pighati ng kanyang kasintahan sa boses ni Maria Clara. Sa sandaling ito, kausapin siya ng Kapitan-Heneral tungkol sa imbitasyon na makasalo siya sa pagkain, kung saan kanilang pinag-usapan ang pagkawala ng dalawang sakristan na sina Crispin at Basilio.