Sa Kabanata 35 ng Noli Me Tangere, naging mainit na usapan sa buong bayan ng San Diego ang mga kaganapan sa nangyaring pananghalian. Karamihan sa mga tao ay pinanigan si Padre Damaso dahil sa kanilang paniniwala na kung nagtimpi lamang si Ibarra, hindi sana nangyari ang insidente.
Ngunit si Kapitan Martin lamang ang
nakaintindi sa dahilan kung bakit gumawa ng kilos si Ibarra, dahil alam niya na
walang sino man ang hindi makapapigil kapag ang ama ang nilapastanganin.
Samantala, ipinapalagay ni Don Filipo na hinihintay ni Ibarra na tulungan siya
ng mga tao bilang isang paraan ng pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang
nagawa niya at ng kanyang ama. Subalit, nanindigan ang kapitan ng bayan na wala
silang magagawa dahil palaging nasa panig ng mga prayle ang katwiran.
Tinututulan ni Don Filipo ang
ginagawang pagkakawatak-watak ng mga tao sa bayan, na ang mga prayle at
mayayaman ay nagkakabuklod-buklod. Ngunit ang mga matatandang babae sa bayan ay
natatakot na hindi panigan si Padre Damaso dahil baka sila'y mapunta sa
impyerno.
Nalugod naman si Kapitana Maria sa
pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Gayunpaman, ang mga magsasaka ay biglang
nawalan ng pag-asa dahil maaaring hindi matuloy ang itinatayong paaralan kung
hindi magkakaisa ang mga tao. Ang pagkansela ng proyektong ito ay maaaring makaapekto
sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Nagkalat din ang balita na hindi na
matutuloy ang pagpapatayo ng simbahan dahil tinawag na pilibustero ng mga
prayle si Ibarra. Ngunit hindi naiintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng
salitang "pilibustero".