Noong araw na iyon, inaasahan ang pagdating ng Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nagkakasama-sama ang mga taga San Diego para sa hapunan. Si Ibarra at ang alkalde mayor ay nasa magkabilang dulo ng hapag. Si Maria ay nasa kanan ni Ibarra at sa kaliwa naman niya ay ang eskribano. Nasa hapag din sina Kapitan Tiyago, iba pang mga kapitan mula sa bayan ng San Diego, mga pari, mga kawani ng pamahalaan, at mga kaibigan nina Maria Clara at Ibarra.
Ngunit nagtaka ang lahat dahil hindi
pa dumating si Padre Damaso. Habang kumakain, nag-usap ang mga naroon tungkol
sa hindi pagdating ni Padre Damaso, sa kamangmangan ng mga magsasaka sa
paggamit ng mga kubyertos, sa mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga
anak, at iba pang mga bagay.
Maagang dumating si Padre Damaso at
binati ng lahat maliban kay Ibarra. Habang inihahanda ang serbesa, nag-umpisa
na ang pari na pagtuksuhin si Ibarra. Sinubukan ni Ibarra na panatilihing
tahimik ang sarili habang nagtitiis sa mga banat ng mayabang na pari.
Ngunit tila nananadya si Padre
Damaso dahil ibinunyag nito ang pagkamatay ng ama ni Ibarra. Hindi na napigilan
ni Ibarra ang kanyang galit at halos saksakin ang pari. Ngunit sa tulong ni
Maria, napigilan niya ang sarili at umalis na lamang nang mapalakas ang kanyang
kahinahunan.