Sa Kabanata 24 ng Noli Me Tangere, nakapagmisa ng maaga si Padre Salvi at agad itong nag-almusal. Hindi niya tinapos ang kanyang pagkain, sa halip ay sumakay siya sa karwahe at pumunta sa lugar ng piknik. Malayo pa lang, pinahinto na ng pari ang karwahe upang mapagmasdan ang mga dalaga na naglalaro. Hinanap ni Padre Salvi ang mga kalalakihan.
Matapos ang pananghalian, nabanggit
ni Padre Salvi na may humamak kay Padre Damaso kaya ito ay nagkasakit. Nang
biglang dumating si Sisa, na nais sanang pakainin si Ibarra, ngunit dahil sa
kanyang kahibangan, agad siyang umalis.
Nagkaroon ng usapan tungkol sa
pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina
Don Filipo at Padre Salvi. Sinabi ni Don Filipo na mas mahalaga ang dalawang
onsa kaysa sa mga nawawalang bata. Sinubukan ni Ibarra na magpatuwid ng
sitwasyon.
Maya-maya'y sumama si Ibarra sa mga
kabataang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Nagtanong siya sa gulong kung may
katuparan ang kanyang mga plano. Ngunit ang sagot ng gulong ay pangarap lamang,
na hindi sinang-ayunan ni Ibarra.
Ipinamalas ni Ibarra ang kanyang mga
dokumento na nagpapatunay ng pahintulot sa kanya na magtayo ng isang
bahay-paaralan. Hinati niya ang mga kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at
Sinang.
Biglang dumating si Padre Salvi at
pinunit ang aklat na walang paalam. Ayon sa pari, malaking kasalanan ang
maniwala sa nilalaman nito. Nainis si Albino at sinagot ang pari na mas
malaking kasalanan ang pakikialam nito sa pag-aari ng iba.
Agad na umalis ang pari at bumalik
sa kumbento na may sama ng loob. Sa sandaling iyon, dumating ang mga gwardya
sibil at sarhento, na may hinahanap si Elias dahil siya ang nanakit diumano kay
Padre Damaso. Kinwestyunin din nila ang pagkupkop ni Ibarra kay Elias. Sinagot
ito ni Ibarra na walang karapatan ang mga ito na kwestyunin ang kanyang
desisyon sa pag-imbita sa mga bisita sa kanyang tahanan.
Sinuyod ng mga gwardya sibil ang
buong kagubatan, ngunit hindi nila natagpuan si Elias.