Sa Kabanata 22 ng "Noli Me
Tangere", dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel para sa
pista ng bayan. Kaagad itong kumalat na balita at kinagiliwan ng mga tao ang
pagdating ni Maria Clara. Napapansin ni Maria Clara ang pagbabago sa kilos at
mga titig ni Ibarra tuwing sila ay magkakaharap, at ito ay ikinagalit ni Padre
Salvi.
Plano nina Maria Clara at Ibarra na
mag-piknik kasama ang kanilang mga kaibigan sa ilog, pero hindi sinang-ayunan
ng dalaga na isama si Padre Salvi dahil sa kanyang nararamdaman na pagkabahala
sa pari. Hindi naman pabor si Ibarra sa ideyang ito dahil sa hindi magandang
epekto nito sa paningin ng iba. Bigla namang dumating si Padre Salvi habang
nag-uusap ang dalawa, kaya nagpaalam na si Maria Clara upang mamahinga.
Nag-imbita naman si Ibarra si Padre
Salvi na sumama sa kanilang piknik, at agad itong pumayag. Umuwi na rin si
Ibarra matapos ang ilang oras ng pakikipag-usap sa pari. Sa daan pauwi, may
nakasalubong si Ibarra na isang lalaki na humihingi ng tulong, at agad na
tinulungan ito ng binata.