Sa kabanata 5 ng Noli Me Tangere, nagtungo si Ibarra sa Maynila at nag-check in sa Fonda de Lala. Sa kanyang silid, nagmuni-muni siya tungkol sa sinapit ng kanyang ama. Habang nagmamasid sa durunguwan, natatanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tiyago sa kabila ng ilog. Tila naririnig pa rin niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang tugtog ng mga orkestra at kalansingan ng mga pinggan at kubyertos.
Naganap ang isa na namang kasiyahan
sa bahay ni Kapitan Tiyago nang dumating ang anak na dalaga nitong si Maria
Clara. Sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila, mga
Pilipino, Intsik, at militar. Napansin ni Ibarra na naka-maratang kasuotan si
Maria Clara na palamutian ng alahas na diyamante at ginto, na nagpapaganda pa
lalo sa kanyang kagandahan. Sa lahat ng mga bisita, dito napunta ang pansin ng
mga tao.
Samantala, si Padre Salvi ay hindi
rin napigilang maaliw sa kagandahan ni Maria Clara. Mahilig siya sa magagandang
dilag kaya't masayang-masaya siya na makasama ang mga dalaga roon. Mayroon
siyang lihim na pagtingin kay Maria Clara, na hindi mawala sa kanyang isipan
kahit na sa kanyang pagtulog.
Samantala, si Ibarra ay madali
namang nakatulog ng gabing iyon, ngunit sa kabilang banda, hindi maalis sa
isipan ni Padre Salvi ang magandang dalaga na si Maria Clara.