Buod:
Si Don Juan ay patuloy na bumababa sa
balon hanggang sa marating niya ang pinakamalalim na bahagi nito. Nagulat siya
sa nakita dahil isang magandang hardin ang kaniyang nasaksihan na puno ng mga
halaman at bulaklak. Nakita rin niya ang isang palasyo na yari sa ginto at
pilak na nangangislap. Sa palasyong ito nakita niya ang isang dalaga na si
Donya Juana, na para sa kanya ay isang diyosa sa kagandahan. Nang humingi siya
ng paumanhin dahil sa mapangahas niyang pagpunta, sinabi niya na siya ay isang
prinsipe ng Armenya. Sinumpaan ni Don Juan na tunay ang kaniyang pag-ibig at
humihingi ng pahintulot na mahalin si Donya Juana. Sumagot si Donya Juana at
pumayag na mahalin rin siya ni Don Juan.
Pagsusuri:
Ang mga saknong na ito ay
nagpapakita ng kagandahan ng paraiso sa Armenya. Nakapagbigay ito ng pahiwatig
tungkol sa mga uri ng halaman at bulaklak sa paligid, na nagbibigay ng kulay at
masamyo sa kapaligiran. Ang paglalarawan ng palasyo na yari sa ginto at pilak
ay nagpapahiwatig ng kayamanan at pagiging maharlika ng lugar na ito. Bukod pa
rito, itinatampok din ang kagandahan ni Donya Juana bilang isang diyosa ng
kagandahan. Sa kabuuan, ang mga saknong na ito ay nagpapakita ng kagandahan at
pag-ibig, na nagsisilbing pansamantalang pagtakas para kay Don Juan sa kaniyang
mga paghihirap.